MMDA, magtatayo ng emergency response teams sa apat na sementeryo sa Metro Manila

By Mariel Cruz October 30, 2017 - 10:41 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Maglalagay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng emergency response teams sa apat na sementeryo para sa paggunita ng All Saints’ Day sa November 1.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, ilalagay ang nasabing team sa Manila North Cemetery, South Cemetery, San Juan Public Cemetery, at Loyola Memorial Park.

Magtatayo ang ahensya ng tent sa nasabing mga sementeryo na maaaring lapitan ng publiko sakaling mayroong emergency.

Mayroon din aniyang naka-standy na ambulansya at wheelchairs sa bawat tent na itatayo sa mga sementeryo.

Sinabi din ni Garcia na full force ang MMDA ngayong Undas, at kanselado ang day-off ng kanilang mga empleyado.

Bukod dito, isinara na din ng MMDA ang ilang kalsada sa Metro Manila para sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista na magtutungo sa mga sementeryo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.