Regional offices ng PNP sa buong bansa, inilagay na sa full alert status para sa Undas

By Mariel Cruz October 30, 2017 - 10:39 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Naka-full alert status na ang lahat ng regional offices ng Philippine National Police para sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Ayon kay PNP chief Director Gen. Ronald Dela Rosa, inaasahan na ang isandaang porsyentong attendance ng lahat ng PNP personnel sa bawat rehiyon.

Samantala, naka-heightened alert naman ang mga opisina sa PNP National Headquaters.

Sinabi ni Dela Rosa na kailangan ay nakahandang ideploy anumang oras ang 50 percent sa kanilang mga tauhan lalo na kung magkakaroon ng problema.

Nagpaalala din ang PNP chief sa kanyang mga tauhan na maging handa kahit pa hindi naka-duty.

Bukod dito, sinabihan din ni Dela Rosa ang lahat ng mga pulis na tiyakin na ligtas sa anumang krimen ang kani-kanilang mga bahay at pamilya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.