Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, tumaas pa

By Mark Makalalad October 30, 2017 - 09:26 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Ilang araw bago ang Undas, patuloy sa paglobo ang mga presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Sampaloc, Maynila.

Malaki kasi ang demand o pangangailangan ng mga mamimili, kaya tumaas na ang presyo ng mga bulaklak.

Narito ang presyo ng mga bulaklak:

Asters – dating P100/kilo ay P200 na.

Stargazers – mula sa dating P130 kada stem ay P180 kada stem na ngayon.

Gerberas – dating P180 kada bundle pero ngayon ay P250 na.

Malaysian Mums – mula sa P170/bundle ngayon ay P180 na.

Carnation – P250/bundle na ang presyo na dating P180.

White Orchids – P550/bundle na dating P480-P500/bundle

Violet Orchids – P550 dating P450/bundle

Samantala, ang presyo naman ng Roses na P250 kada dozen noong Sabado ay walang pinagbago.

Ayon sa mga tindera, posibleng mas magmahal pa ang presyo ng mga bulaklak depende sa arrangement na gusto ng mga bumibili.

Inaasahan naman na mas magiging marami pa ang mga mamimili ng bulaklak sa Dangwa sa mga susunod na araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.