Lalaki, ginulpi matapos magtangkang gahasain ang isang dalaga sa Valenzuela City

By Mark Makalalad October 30, 2017 - 09:20 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Bugbog sarado ang isang lalaki matapos gulpihin ng taumbayan dahil sa tangkang panggagahasa ng dalaga sa Brgy. Karuhatan, Valenzuela City.

Nakilala ang suspek na si alyas ‘Paulo’, residente ng naturang barangay.

Reklamo ng biktima na si Rose Ann Flor, 30 taong gulang, pag-uwi niya galing trabaho, napansin niya na lamang na may nagtatago sa kanyang kama.

Dito na siya nagulat dahil nakita niya ang isang natutulog na lalaki.

Buti na lamang ay nakahingi agad ng saklolo ang biktima at agad na dumating ang tatay nito na siya namang nagpasaklolo rin sa mga kapitbahay.

Lumalabas na tenant ng apartment ang suspek kung saan ang may-ari naman nito ang pamilya ng biktima.

Samantala, nakuha naman mula sa biktima ang isang patalim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.