4 sugatan sa dalawang magkahiwalay na aksidente ng motor sa Quezon City

By Mark Makalalad October 30, 2017 - 09:07 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Sugatan ang dalawang lalaki na aminadong naka-inom ng alak makaraang bumangga ang kanilang sinasakyang motor sa Southbound Lane ng Commonwealth Avenue tapat ng Technohub sa Quezon City, bandang 11:45 ng gabi.

Nakilala ang driver ng motor na si Ruden Pamagsagan at ang angkas nya na si Eli Victoriano, parehong nakatira sa Fairview.

Sa imbestigasyon ng QCPD Traffic Sector 5, binangga ng nasabing motorsiklo ang isang crosswind na papaliko sa Technohub.

Sa lakas ng impact, sira ang harapang bahagi ng motor habang nayupi naman ang gilid ng SUV.

Kwento ng mga biktima, pauwi na sana sila galing handaan nang manyari ang aksidente.

Aminado rin sila na napasobrahan sila sa alak kahit na alam nilang magmamaneho pa sila.

Samantala, kahit naman naaksidente, sinabi ng traffic sector 5 na may pananagutan pa rin ang dalawa dahil lasing ang mga ito nang makabangga.

Sa hiwalay naman na aksidente sa Commonwealth Avenue pa rin, sugatan ang mag-asawang sina Louie Gie Boncodin at Rovelin Jersi matapos sumemplang sa concrete barrier.

Sumampa ang motor sa barrier kaya’t nahirapan ang rescuers na tanggalin ito.

Ayon kay Boncodin, hindi niya napansin ang concrete barrier habang inaming nakainom silang mag-asawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.