5 patay dahil sa storm surge sa Central Europe

By Mariel Cruz October 30, 2017 - 08:49 AM

AP PHOTO

Hindi bababa sa lima katao ang nasawi dahil sa malakas na hangin na nanalasa sa Northern at Central Europe.

Dalawa ang naitalang nasawi ay sa Poland, habang dalawa din sa Czech Republic at isa sa Germany.

Nasawi ang mga biktima mula sa Poland at Czech Republic makaraang mabagsakan ng puno.

Dahil rin sa storm surge, libu-libong residente ng dalawang bansa ang nawalan ng suplay ng kuryente habang sa Germany naman ay sinuspinde na ang rail traffic sa maraming ruta nito.

Maraming mga pasahero din ang stranded sa mga transportation hub na pinangangambahang matitigil ng ilang araw.

Samantala, sinara muna ang Prague Zoo, habang normal naman ang operasyon ng Prague Airport.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.