Pansamantalang ipinagpaliban ng Office of the Bangsamoro Transition Commission (BTC) ang itinakda nilang Bangsamoro Assembly sa November 3 at 4.
Inanunsyo ni BTC chairman Ghazali Jaafar na kinailangan nilang ipagpaliban ang pagpupulong dahil sa mga kadahilanang hindi naman nila makokontrol.
Ayon kay Jaafar, maaring sa ikatlong linggo na lamang ng Nobyembre nila ito maitutuloy.
Aniya pa, agad nilang ipagbibigay-alam kung magkaroon na ng kumpirmadong petsa kung kailan maipagpapatuloy ang pagpupulong.
Kasabay nito ay tiniyak naman niya na bagaman naantala ang Bangsamoro Assembly, patuloy pa rin ang lahat ng ginagawang paghahanda ng mga komite.
Lubos naman ang pagpapasalamat ni Jaafar sa matinding suportang ipinapaabot ng mga tao sa Bangsamoro Assembly.
Matatandaang naisumite na ng BTC ang draft ng Bangsamoro Basic Law kay Pangulong Rodrigo Duterte noong July 17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.