LOOK: Ai-Ai Delas Alas at Gerald Sibayan, lumipad sa Cebu para sa kanilang ‘Save the Date’ video

By Mariel Cruz October 29, 2017 - 05:02 PM

Pinili ni Ai-Ai dela Alas at ng kanyang fiance na si Gerald Sibayan na gawin sa Cebu ang kanilang pre-nuptial shoot and video.

Sa inilabas na official ‘Save the Date’ video ng magkasintahan, makikita na ginawang backdrop dito ang 10,000 Roses Cafe at Temple of Leah sa Cebu.

Nakasuot ng strapless na red gown si Ai-Ai habang na coat and red tie naman si Gerald.

Naging casual naman ang look ng dalawa sa harap ng LED roses kung saan nakatayo sa ilalim ng clear umbrella na nilagyan ng Christmas lights.

Isa pa sa ginamit na shooting location sa pre-nup video ay ang Sirao Flower Farm, o kilala na “mini-Amsterdam” of the Philippines dahil sa iba’t ibang klase ng nakabibighaning bulaklak.

Ito na ang ikatlong pagpapakasal ni Ai-Ai pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na naranasan ng aktres ang isang engagement session.

Kabilang sa wedding entourage ni Ai-Ai ay sina Sharon Cuneta, Marian Rivera at Alden Richards.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.