Apat na drug suspects, naaresto ng PDEA sa Camarines Sur
Arestado ang apat na mga katao sa dalawang magkahiwalay na anti-drug operation na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa probinsya ng Camarines Sur.
Bukod sa pagkakaaresto ng apat na mga suspek ay narekober rin ng mga otoridad ang iligal na droga na nagkakahalaga ng halos P780,000 mula sa mga ito.
Unang naaresto sa Lendes Tourist Inn, La Medalla, Baao sina Ryan Medialdea, na sinabing pamangkin umano ni Executive Secretary Salvador Medialdea; Romeo Guevarra alyas Mansy o Amang; at Christian Bañaria alyas Chano.
Nakuha mula sa mga suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P480,000.
Sunod namang nagkasa ng buy bust operation ang PDEA Camarines Sur sa Barangay Sta. Teresita, Baao na nagresulta naman sa pagkakaaresto ni Leo Peyra.
Aabot naman sa P300,000 ang halaga ng shabu na nasabat mula kay Peyra.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.