18 sugatan makaraang mahulog sa bangin ang isang multicab sa Leyte

By Mariel Cruz October 29, 2017 - 02:39 PM

PHOTO: INQUIRER VISAYAS / ROBERT DEJON

Hindi bababa sa labing walo katao ang sugatan makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyang multicabsa Barangay Soro-Soro, Maasin City, Southern Leyte.

Ayon kay Supt. Alex Dang-aoen, hepe ng Maasin police, patungo ang multicab sa city proper mula sa Barangay Hanginan kung saan dumalo sa isang pilgrimage ang mga pasahero.

Nagtulong-tulong naman ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council team, Maasin City Emergency Rescue Team, Bureau of Fire Protection at Philippine National Red Cross sa pag-rescue sa driver ng multicab na si Demetrio Villegas Jr., at ang kanyang labing pitong pasahero.

Nabatid na karamihan sa mga pasahero ay mga residente ng Ormoc City na kumuha sa serbisyo ni Villegas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, lumabas na nawalan ng kontrol si Villegas sa sasakyan nang masira ang preno nito habang nasa pababang kalsada.

Kinilala ang iba pang biktima na sina Mia Venice Matuguina, 21; Lea Tanza, 39; Felipe Tanza, 39; Sarah Jean Gacita, 32; Marilyn Matuguina, 55; Gellie Laurente, 15; Angeline Bacante, 20; Eugene Bacante, 15; Donna Laurente, 18; Jake Balancio, 16; Venus Rebuyas, 16; John Rey Rebuyas, 20; Sally Laurente, 44; Angelou Rebuyas, 19; Chloe Bacante, 18; Anika Balancio, 18; at Nenita Balancio, 49.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.