Isabel Granada, matagal nang itinatago ang karamdaman ayon sa dating mister

By Mariel Cruz October 29, 2017 - 12:37 PM

FB post | Lalaine Bianca Lapus

Ibinunyag ng dating mister ni Isabel Granada na matagal nang may karamdaman ang aktres ngunit itinatago niya lamang ito.

Sa isang panayam, sinabi ni Jericho Aguas na matagal nang iniinda ni Isabel ang pananakit ng kanyang ulo.

Magkasama pa aniya sila ay palagi nang sinasabi ng aktres ang kanyang nararamdaman pero hindi ito nagpapatingin o nagpapa-check up.

Bukod dito, sinabi din ni Jericho na bumaba na din ang potassium level ni Isabel, at minsan ay nagko-collapse na din ito.

Ibinahagi din ng dating mister ng aktres na mayroon siyang nabalitaan na minsan nang nagpa-check up si Isabel pero itinago niya ito sa kanyang pamilya.

Pero hindi niya aniya nalaman kung ano ang pinatingin ni Isabel at kung ano ang resulta nito.

Isang kaibigan lamang na doktor ang nagpaalam sa kanya tungkol sa ginawang pagpapa-check up ng dati niyang misis.

Ikinalungkot naman ni Jericho na hindi siya makakapuntang Doha para samahan sana ang kanilang anak na si Hubert at ina ni Isabel na si Mommy Guapa sa pagdalaw sa aktres.

Aniya, hindi siya naisyuhan aga ng visa ng Qatar Embassy kung kaya hindi siya makakalipad patungong Doha.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.