Bagyong Quedan, nakalabas na ng PAR; ITCZ, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Quedan habang nagpapa-ulan naman ang isang intertropical convergence zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng bansa.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Quedan sa 1,495 kilometers northeast ng Basco, Batanes.
Gumagalaw ito sa direksyong north-northeast sa bilis na 25 kilometers per hour.
Taglay ng nasabing bagyo ang hangin na aabot sa 105 kilometers per hour at pagbugso na 130 kph.
Samantala, inaasahang makararanas ng pagkulog at panaka-nakang pag-ulan ang Zamboanga Peninsula, Palawan, Sarangani, South Cotabato at Davao Occidental dahil sa ITCZ.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated light rains ang iiral naman sa Cagayan Valley at Cordillera regions.
Posible din makaranas ng mga pag-ulan, kulog at kidlat ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.