LOOK: Ilang lugar sa Cavite at Metro Manila, mawawalan ng suplay ng tubig simula bukas

By Mariel Cruz October 29, 2017 - 10:27 AM

Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Bacoor at Imus sa Cavite simula bukas, October 30 hanggang sa Martes, October 31.

Sa abiso ng Maynilad sa kanilang Facebook account, nakasaad na magkakabit sila ng bagong “reverse osmosis assemblies” sa Putatan Water Treatment Plant bukas.

Layon ng nasabing aktibidad na maisaayos ang treatment capacity ng planta at mapanatili ang stable na produksyon sakaling magpalit ang kalidad ng raw water na nagmumula sa Laguna Lake.

Kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng water interruption ay ang mga sumusunod:

Las Piñas (October 30, 5 a.m. to October 31, 3 p.m.):
-Almanza Uno
-Almanza Dos
-Pilar
-Talon Uno
-Talon Tres
-Talon Kuatro
-Talon Singko

Las Piñas (October 30, 1 p.m. to October 31, 9 a.m.):
-CAA
-Manuyo Dos
-Pulang Lupa Dos

Muntinlupa (October 30, 5 a.m. to October 31, 3 p.m.):
-Poblacion
-Putatan
-Sucat
-Tunasan
-Ilang bahagi sa Alabang

Muntinlupa (October 30, 7 a.m. to October 31, 3 p.m.):
-Bayanan

Muntinlupa (ilang lugar na apektado):
-Cupang (October 30, 7 a.m. hanggang October 31, 2 p.m)
-Buli (October 30, 1 p.m. hanggang October 31, 7 a.m)
-Ayala Alabang Village (October 30, 11 p.m. hanggang October 31, 5 a.m)

Parañaque (October 30, 5 a.m. – 4 p.m. & 11 p.m. – October 31, 3 p.m.):
-Ilang bahagi ng BF Homes

Parañaque (October 31, 2 a.m. to 7 a.m.):
-Marcelo Green
-San Antonio

Bacoor, Cavite (October 30, 5 a.m. to October 31, 1 p.m.):
-Molino II, III, and VII
-Queens Row Central
-Queens Row East
-Queens Row West
-San Nicolas III

Imus, Cavite (October 30, 5 a.m to 11:59 p.m. & October 31, 3 a.m. to 11:59 p.m.):
-Anabu I-A to I-F
-Anabu II-A to II-F
-Bayan Luma I to IX
-Bucandala I, III, IV, and V
-Carsadang Bago I & II
-Malagasang I-A to I-F
-Malagasang II-A to II-E and II-G
-Poblacion I-A to I-C
-Poblacion II-A
-Poblacion III-A and III-B
-Poblacion IV-A to IV-D
-Tanzang Luma I to VI
-Toclong I-A to I-C

Ayon sa Maynilad, posibleng matagalan ang resumption ng water service sa nasabing mga lugar bunsod ng ilang kadahilanan tulad ng “elevation of area, distance from pumping stations, at volume of withdrawal from mainlines”.

Inabisuhan din ng Maynilad ang kanilang mga customer na mag-imbak na ng sapat na tubig na magagamit sa panahon mawawala ang suplay nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.