Fast food chain sa Quezon City, nilooban ng 2 armadong lalaki; P450,000 na kita, tinangay
Nilooban at hinold-up ng dalawang armadong lalaki ang isang fast food chain sa kahabaan ng Congressional Avenue sa Quezon City, gabi ng Sabado.
Ayon sa isang empleyado ng fast food chain, naghahanda na sila para sa kanilang pagsasara nang pasukin sila ng dalawang hindi nakilalang armadong lalaki.
Nabatid na isa sa mga suspek ay nakasuot ng bonnet habang ang isa naman ay nakasuot ng sumbrero.
Parehong may dalang baril ang dalawang suspek.
Pinadapa aniya ng mga suspek ang siyam na store personnel at ang security guard sa loob ng limang minuto.
Pagkatapos nito ay binuksan na ng isa sa mga suspek ang cash vault kung saan natangay nito ang aabot sa P450,000 na kinita ng fast food chain.
Ngayon ay iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente at inaalam kung ito ba ay inside job.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.