Municipal Treasurer sa Maimbung, Sulu, tinambangan

 

Patay ang Municipal Treasurer ng Maimbung, Sulu nang pagbabarilin ito ng mga suspek na naka-motorsiklo kaninang umaga.

Ayon kay Brig. Gen, Alan Arrojado, Commander ng Joint Task Group Sulu, alas 7:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa barangay Asturias sa bayan ng Jolo.

Aniya, nakatayo lang ang 58 anyos na biktimang si Arsenio Marzosa sa may kalsada nang tapatan ito ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at bigla na lang pinagbabaril.

Nang tumakas ang mga salarin, agad isinugod sa Sulu Provincial hospital ang biktima ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang kasabay nang pagtugis ng mga awtoridad sa mga suspek.

 

 

Read more...