Mga residente ng Brgy. Basak Malutlut na unang inatake ng Maute sa Marawi, nakabalik na

By Mariel Cruz October 29, 2017 - 08:13 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Nasa limang libong residente ng Barangay Basak Malutlut sa Marawi City ang nakabalik na sa kani-kanilang tahanan.

Ang nasabing barangay ay ang unang inatake ng ISIS-inspired Maute group noong May 23.

Ayon sa ulat, ilan sa mga residente ay naging emosyunal nang makita ang tinamong pinsala ng kanilang bahay.

Naging staging point ng naganap na kaguluhan sa Marawi City ang Barangay Basak Malutlut kung saan nagsimula ang palitan ng putok na baril sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group.

Samantala, nagtakda na ang local health officials ng fumigation sa nasabing barangay para mabugaw ang mga lamok na posibleng may dala na dengue virus.

Maaari naman ilang araw makaranas ng problema sa suplay ng tubig ang mga residente ng barangay dahil isa pa lamang sa anim na pumping stations ang gumagana.

Limitado rin sa ngayon ang suplay ng kuryente sa lugar dahil sa ilang buwan na sagupaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.