23 patay, higit 30 sugatan sa car bombing sa Mogadishu

AFP PHOTO

Nagresulta ng pagkakasawi ng hindi bababa sa dalawampu’t tatlo katao ang pagpapasabog sa dalawang sasakyan sa Mogadishu, Somalia.

Naganap ang unang pagsabog sa labas ng isang hotel na malapit sa presidential palace habang ang pangalawa naman ay malapit sa dating parliament house.

Ayon sa pulisya, pinasok pa ng security forces ang hotel para hulihin ang mga umatake at nasa likod ng pagpapasabog.

Sinabi naman ni Capt. Mohamed Hussein na aabot sa tatlumpung katao kabilang na ang isang government minister ang nailigtas sa Nasa-Hablod hotel.

Tatlo aniya sa limang suspek ang napatay matapos makipagpalitan ng putok ng baril sa mga pulis.

Nabatid na sa mga nasawi dahil sa pagsabog, karamihan dito ay mga pulis at isang dating mambabatas.

Dahil patuloy ang barilin sa pagitan ng mga suspek at security forces, sinabi ng pulisya na posibleng tumaas pa ang death toll.

Read more...