Reinvestigation sa Mamasapano encounter, tinutulan ng ilang mambabatas

By Isa Avendaño-Umali September 14, 2015 - 02:55 PM

 

Inquirer file photo

Tutol ang ilang dating pulis at sundalo na ngayo’y mga kongresista sa mga plano na muling buksan ang imbestigasyon sa Mamasapano Encounter dahil sa pinalutang na “alternative truth” ni Pangulong Noynoy Aquino III.

Ayon kay Magdalo PL Rep. Gary Alejano, mas lalong magiging kumplikado ang dati nang kumplikadong isyu kung muling sisiyasatin ang Mamasapano Incident kung saan napatay ang apatnapu’t apat na commandos na Special Action Force o SAF.

Giit ni Alejano, dapat noon pa ay inilabas na ni Pangulong Aquino ang sinasabi nitong katotohanan, at hindi yung natapos na ang maraming imbestigasyon, gaya sa Board of Inquiry ng PNP, at Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Ang muling buksan ang imbestigasyon ay para lang kukumplika sa dati nang kumplikadong isyu na noon pa sana ay diniinan ng Malakanyang kung talagang hangad ay katotohanan at hindi pagkatapos ng maraming imbestigasyon,” ani Alejano.

Sa panig naman ni ACT-CIS PL Rep. Samuel Pagdilao, kung walang credible na testigo at matitibay o malalakas na ebidensya o impormasyon, walang dahilan para muling buksan ang imbestigasyon sa Mamasapano Incident.

Kontra rin aniya siya sa reinvestigation sa engkwentro dahil muli lamang daw mananariwa ang sugat na iniwan nito sa maraming tao, lalo na sa pamliya ng mga napatay na SAF Troopers.

Paalala ni Pagdilao, hindi pa nabibigyan ng hustisya ang mga ito dahil ni-wala pang nakakasakuhan sa mga tauhan ng BIFF at MILF na pumaslang sa kanila.

“Unless the requirements are present, the Mamasapano investigation must not be reopened. It will open wounds that aren’t healed yet and hurt a lot of people. What is the motive of those who are saying that there might be another version of truth and where are they coming from?,” pahayag ni Pagdilao.

Kapwa hindi naman maintindihan nina Alejano at Pagdilao kung ano ang basehan ni Pangulong Aquino sa. “alternative truth” nito, at kung bakit ngayon lamang pinalutang ito.

Nakakalungkot anila ang balitang ito dahil tila nabalewala ang kagitingan ng SAF troopers sa Mamasapano Incident, gayung ang importante ay napaslang na si Marwan dahil sa lehitimong operasyon.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.