EcoWaste Coalition, nanawagang huwag gawing basurahan ang mga sementeryo ngayong Undas

Nagpaalala ang isang waste and pollution watch group na panatilihin ng publiko ang kalinisan sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Naglabas ang EcoWate coalition ng tinatawag na “Cemetery Etiquette” or “Cemetequette” para sa mga dadalaw sa mga sementeryo.

Iginiit ng grupo na ang pagtatapon ng mga basura sa mga himlayan ay “disrespectful” o kakabatos-bastos sa mga namayapa na maging sa mga buhay.

Taon-taon na lamang kasi ay bukod sa puno ng mga tao ang mga sementeryo ay napupuno rin ito ng basura.

Kabilang sa sampung pointers ng “Cemetequette” ay ang mga sumusunod:

1. Pagdadala ng sariling water jug upang iwasan ang pagbili ng bottled water.
2. Paggamit ng reusable na meal carriers upang maiwasan ang paggamit ng mga disposable plates at utensils
3. Pag-aalay ng sariwang mga bulaklak kaysa mga plastic na nagiging basura kalaunan.

Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste Coalition, umaasa sila na tutugon ang publiko sa kanilang panawagang “waste-less observance” ng Undas ngayong taon.

https://ecowastecoalition.blogspot.com/

Read more...