Nakapagtala ng 32 volcanic quakes o pagyanig ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Bulkang Mayon mula hapon ng Biyernes hanggang umaga ng Sabado.
Ayon kay Mayon resident volcanologist Ed Laguerta, maaaring pressure buildup sa loob ng crater ang dahilan ng mga pagyanig na maaaring bunga ng pagdaloy ng magma.
Maaari ring dahilan ang sulfur gas output at pinag-aaralan din ang iba pang indicators ayon kay Laguerta.
Anya, mula October 17 ay nakapaglabas na ng 441 tons ng sulfur dioxide ang bulkan.
Dahil sa mga kadahilanang ito, hindi pa anya maaaring ibaba ang alert level status 1 na itinaas sa bulkan.
Ibinabala naman sa publiko ni Albay Provincial Security and Emergency Management Office Cedric Daep na mapanganib ang pag-akyat sa crater o bunganga ng bulkan.
Anya, mahirap malaman kung kailan magbubuga ng abo ang bulkan sa kabila ng mahigpit na monitoring dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.