Napag-alaman na lasing pala ang rider na kinilalang si JR Quilea.
Pagkukwento ng biktima na nagtamo ng galos sa ulo, mukha, at tuhod, papunta sana siya ng Mindanao Avenue nang bigla na lamang banggain ng isang pickup na patungo naman sa isang subdivision sa lugar.
Reklamo naman ni Quilea, pinagnakawan siya ng isang tao na una ay nagpanggap na concerned citizen.
Ani Quilea, ninakaw mula sa kanya ang kanyang cellphone.
Samantala, ayon sa driver ng pickup na si Jerry Batu, hindi niya napansin ang biktima. Nalaman lamang niyang nakabangga pala siya nang marinig ang kalabog mula sa gilid ng kanyang sasakyan.
Inaalam na ng Quezon City Police District Traffic Sector 5 kung sino sa dalawang driver ang responsable sa aksidente.