Motor rider, sugatan matapos mabangga sa Tandang Sora, Quezon City

By Justinne Punsalang October 29, 2017 - 03:47 AM

Sugatan ang isang motorcycle rider matapos itong mabangga sa panulukan ng Tandang Sora Avenue at William Street sa lungsod Quezon.

Napag-alaman na lasing pala ang rider na kinilalang si JR Quilea.

Pagkukwento ng biktima na nagtamo ng galos sa ulo, mukha, at tuhod, papunta sana siya ng Mindanao Avenue nang bigla na lamang banggain ng isang pickup na patungo naman sa isang subdivision sa lugar.

Reklamo naman ni Quilea, pinagnakawan siya ng isang tao na una ay nagpanggap na concerned citizen.

Ani Quilea, ninakaw mula sa kanya ang kanyang cellphone.

Samantala, ayon sa driver ng pickup na si Jerry Batu, hindi niya napansin ang biktima. Nalaman lamang niyang nakabangga pala siya nang marinig ang kalabog mula sa gilid ng kanyang sasakyan.

Inaalam na ng Quezon City Police District Traffic Sector 5 kung sino sa dalawang driver ang responsable sa aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.