Saudi Arabia, nagkaloob ng citizenship sa isang robot
Gumawa ng kasaysayan ang isang robot na may pangalang “Sophia” matapos pagkaloob ng Saudi Arabia ng isang full citizenship.
Si Sophia ang kauna-unahang robot sa buong mundo na kinilalang may nationality.
Ang robot ay likha ng Artificial Intelligence (AI) specialist na si David Hanson.
Ang pagkakaloob ng citizenship sa robot ay inanunsyo sa isang conference ng Future Investment initiative sa Riyadh.
Ang business writer na si Andrew Ross Sorkin ang nagkwento sa robot na napagkalooban na siya ng full Saudi Arabian citizenship.
Tumugon ang robot at pinasalamatan ang Kingdom of Saudia Arabia.
Anya, sobra siyang nagagalak sa kakaibang pagkilala na ibinigay ng pamahalaan sa kanya.
Sumagot din ang robot sa ilang mga katanungan mula sa panel ukol sa artificial intelligence.
Ang nasabing hakbang ay paraan ng bansa upang maitaguyod ang progreso sa larangan ng robotics at AI.
A humanoid robot called Sophia got Saudi citizenship, while millions linger stateless. What a time to be alive. #KSA https://t.co/JVbQWIppyW
— Kareem Chehayeb (@chehayebk) October 25, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.