Ipinuslit na mga bigas at produktong petrolyo, pinababantayan sa BOC at BIR

By Justinne Punsalang October 29, 2017 - 02:33 AM

Ipinag-utos ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na mahigpit na bantayan ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpasok sa bansa ng mga ipinuslit o smuggled na mga bigas, produktong petrolyo, bakal, sigarilyo, manok, sibuyas, bawang, at iba pang mga produktong agrikultural.

Inilabas ni Dominguez ang naturang direktiba matapos iprisenta ni BOC Commissioner Isidro Lapeña ang kanyang plano na bumuo ng joint task force kasama ang BIR para muling buhayin ang anti-smuggling campaign ng Customs.

Ani Dominguez, simula nang mapasara ang Mighty Corporation ay nakakatanggap siya ng mga ulat tungkol sa pagpupuslit ng sigarilyo sa bansa na pumupunan sa pagbebenta ng murang tobacco products.

Malugod namang tinanggap ng BIR ang plano ni Lapeña.

Ani BIR Commissioner Caesar Dulay, ang naturang planong pagtutulungan ng Customs at BIR ay makakatulong sa epektibong pagpapatupad ng mga tax laws.

Para naman bigyan ng ngipin ang anti-smuggling campaign ng Customs, ay ipinagutos ni Lapeña ang pagsasampa ng kaso laban sa mga lalabag na importer at customs broker, bukod pa sa maiging pagsisiyasat sa mga isinumiteng dokumento ng mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.