Bail plea ni Andal Ampatuan Jr., muling ibinasura

By Justinne Punsalang October 29, 2017 - 02:28 AM

Muling ibinasura sa Quezon City Regional Trial Court ang bail plea ng pangunahing suspek sa Maguindanao massacre na si Andal Ampatuan Jr.

Sa limang pahinang resolusyong inilabas ni Quezon City RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes, nakasaad na hindi nakapagpresenta ang kampo ni Ampatuan ng sapat na grounds para bawiin nito ang kanyang naunang desisyon na ibasura ang petition for bail ni Ampatuan.

Ayon sa kampo ni Ampatuan, nagkamali si Solis-Reyes nang hindi nito aprubahan ang bail plea dahil pinagbasihan lamang niya ang testimonial evidence.

Ayon pa sa mga abogado ni Ampatuan, hindi nakapagpresenta ng physical evidence ang prosecution na magpapatunay sa sinasabing pagkakasala ni Ampatuan kagaya ng mga ballistic report maging mga fingerprint at DNA analysis.

Ngunit sa loob ng ruling na inilabas ni Solis-Reyes, maituturing na preliminary stage pa lamang ang bail proceedings kaya hindi pa kailangang maglabas ng lahat ng ebidensya ang prosecution.

Paglilinaw pa ni Solis-Reyes, hindi naman niya na hinuhusgahan ang pagiging guilty o inosente ni Ampatuan ngunit kung matibay ba ang ebidensya laban dito.

Mahigit 100 mga suspek na ang naaresto at kasalukuyang sumasailalim sa paglilitis.

Matatandaang 58 katao ang namatay sa Maguindanao massacre, kabilang ang 32 mga kawani ng media.

TAGS: Andal Ampatuan, maguindanao massacre, Andal Ampatuan, maguindanao massacre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.