Sa isang panayam, sinabi ni Nograles na ilegal ang pag-okupa ng BURI sa bahagi ng MRT-3 depot dahil walang kontrata na nagsasaad na ito ang opisyal na maintenance provider ng tren.
Ipinagtataka ng mambabatas kung bakit hindi pa rin na-terminate ang serbisyo ng BURI gayong wala umanong nagawa ito para tugunan ang hindi magandang lagay ng MRT-3 na halos araw-araw naabala dahil sa technical problem.
Noong October 20, ipinadala ng Department of Transportation sa BURI ang notice of termination ng maintenance contract nito.
Gayunman, umalma ang maintenance provider at sinabing hindi nakasasad dito ang factual at legal basis ng mga alegasyon ng DOTR, Kabilang na ang kabiguang gawin ang ilang probisyon sa kontrata.