Sasalubungin ng panibagong oil price increase ang Undas base sa maagang anunsiyo ng mga kumpanya ng langis.
Martes ng umaga, October 31 aabot sa P0.35 ang dagdag sa presyo ng diesel.
Nasa pagitan naman ng mula P0.20 hanggang P0.30 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina samantalang mula P0.40 hanggang P0.50 naman sa bawat litro ng kerosene o gaas.
Nauna nang sinabi ng Department of Energy na ang panibagong oil price increase ay base sa malikot na presyo ng produktong petrolyo sa world market.
Noong nakaraang Martes ay nagpatupad rin ng dagdag singil sa kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.
Kabilang sa mga magpapatupad ng oil price hike ay ang Chevron, Shell, Petron, Jetti, Seaoil, Phoenix, PTT at Unioil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.