Hinding-hindi raw niya mapapatawad si top official dahil sa ginawa nitong panghihiya sa kanyang pamilya lalo na sa pahirap na dinaranas hanggang ngayon ng kanyang ama na isa ring kilalang pulitiko.
Sinabi ng dating kongresista na umaasa siyang hindi magku-krus ang landas nila ni Mr. Top Official dahil susuntukin daw niya ito oras na magkasalubong sila.
Ayon sa ating Cricket, seryoso sa kanyang mga pahayag ang dating mambabatas na nakilala rin dahil sa kalokohan nang ito ay mas bata pa.
Naging suspect si da-ting kongresista sa pagpatay sa isang kilalang personality noong siya’y binata pa pero hindi
napatunayan ang kanyang krimen dahil sa lakas ng impluwensya ng kanyang ama noong mga panahong iyon.
Ngayong palaos na ang political career ng kanyang tatay, hindi matanggap ng dating opisyal na bakit kinakailangan pang dumaan sa mga pahirap at kaso ang kanyang ama dahil lamang sa utos ni Mr. Top Government official.
Ang tanging alam na dahilan ng dating kongresista kung bakit malaki ang galit sa kanyang pa-milya ng top official na ito ay dahil daw sa sulsol ng mga taong nakapaligid at maling sumbong ng mga kaalyado sa pulitika.
Ilang beses daw silang humingi ng dialogue kay top official pero dedma lang ang naging reaksyon nito.
Tutal ay sinimulan na raw ni top official ang gulo, handa na raw ang kanilang kampo na makipagsabayan sa oras na matapos ang termino ng kilalang pulitikong ito.
Nakakatakot lang dahil parehong “pistolero” ang dating kongresista at ang mataas na opisyal na tinutukoy natin.
Pero kung sakaling matuloy ang enkwentrong ito, sinabi ng ating Cricket na baka mas maunang magbarilan ang kani-kanilang mga private armies.
Kung sa suntukan naman mauuwi ang laban ay tiyak na dehado si Top Government official dahil sa liit ng kanyang katawan not to mention pa yung injury sa kanyang tagilid na leeg.
Ang dating mambabatas na abot hanggang langit ang galit sa isang mataas na opisyal ng gobyerno ay si dating Congressman J…..as is Jejemon.
Ang Top Official naman na kanyang pinanggigilan ay si Mr. A….as in Akihito.