Mocha Uson inireklamo ang source ng kanyang “fake news”
Nais panagutin ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson ang umano’y unang nag-share ng maling litrato.
Noong October 23, ibinahagi ni Uson sa social media ang isang litrato ng malinis at maayos na Marawi City na may caption na “Grabe naman ang bilis naman kumilos ng gobyerno.”
Nadiskubre ng netizens na ang litrato na ibinahagi ni Uson ay kinuhan noong May 25, ikatlong araw ng Marawi siege, para sa online news website na Rappler.
Gayunman, ayon kay Uson, nakuha niya ito mula sa page na Mula sa Masa, Para sa Masa, ang social media account ng tabloid na inilunsad ni Communications Secretary Martin Andanar.
Sa kanyang complaint, sinabi ni Uson na matapos niyang i-share ito ay pinuna ng naturang online news website ang kanyang post at sinisi siya sa pagkalat ng “fake news.”
Sinabi rin na huli na ng malaman niya na galing sa Rappler ang nasabing litrato.
Nang kanyang tanungin ang administrator ng page ng nasabing tabloid sa PCOO Viber group, ipinagbigay-alam sa kanya na hindi umano kumuha ng clearance ang nag-post ng litrato mula sa Rappler.
Dahil dito, hiniling ni Uson kay Andanar na patawan ng kasong administratibo ang nasa likod nito.
Ayon kay Andanar, nakipag-ugnayan na siya sa Mula sa Masa, Para sa Masa tabloid at binigyan ito ng limang araw para magsumite ng kanilang tugon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.