NoKor binantaan ng U.S na huwag ituloy ang panibagong nuke test
Nagbanta si U.S Defense Sec. James Mattis na makararanas ng “massive military response” ang North Korea sakaling ituloy nito ang banta na magpapasabog ng nuclear bomb sa mga bansang kayang abutin ng bago nilang ballistic missiles.
Sa kanyang pahayag mula sa Seoul South Korea, sinabi ni Mattis na seryoso ang U.S na idepensa ang kanilang lupain pati na rin ang kanilang mga kaalyadong bansa sa Asia Pacific region.
Tiniyak pa ng U.S official na magiging mabilis ang kanilang gagawing pagresponde sakaling ituloy ng Pyongyang ang kanilang bagong banta.
Muling tumaas ang tensyon sa Korean Peninsula dahil sa pahayag ni North Korean Leader Kim Jong Un na handa na ang kanilang mga Intercontinental Ballistic Missiles (ICBM) para sa panibagong nuclear test.
Itinaas rin ang alarma sa Seoul na halos ay 50 kilometers lamanang ang layo sa North Korea at tahanan para sa higit sa 10 Milyong mga Koreano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.