Mga pauwi sa mga lalawigan dagsa na sa port area

By Den Macaranas October 28, 2017 - 03:16 PM

Radyo Inquirer

Nagsimula na ring dumagsa sa mga pantalan ang ilang mga uuwi sa mga lalawigan kaugnay sa paggunita sa araw ng Undas.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard, alas-sais ng umaga kanina ay umabot na sa 25,139 ang bilang mga outbound passengers sa mga pantalan.

Sa bahagi ng Bicol at Southern Tagalog areas ay umabota sa 7,813 ang mga naitalang pasahero.

Ang nasabing bilang ay sinundan pa ng mga pantalan sa Western at Central Visayas ayon sa PCG.

Para hindi maabala sa kanilang mga byahe, sinabi ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na dalawang araw bago ang pag-alis ng barko ay kailangang nasa pier na ang mga pasahero.

Asahan na rin umano ang mahigpit na pagrekisa sa mga kargamento para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Inaasahan na higit pang darami ang mga pasahero sa mga pantalan hanggang sa araw ng Lunes, October 30.

TAGS: #Undas2017, philippine coast guard, pier, Undas, #Undas2017, philippine coast guard, pier, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.