Special greeting request ng isang 11-anyos na bata pinagbigyan ng pangulo
https://www.facebook.com/christopherbong.go/videos/vb.100005911204879/774238142783219/?type=2&video_source=user_video_tab
Tinupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ng isang 11-year old na bata para batiin ang kanyang mga kaklase at guro sa isang paaralan sa California U.S.A.
Ang sulat kamay na liham ng batang si Andre Esteban ay pinost ng kanyang ina Almyra Grace Custodio sa kanyang Facebook account na ni-repost naman ni Agriculture Secretary Emmanuel Pinol sa kanyang account.
Nakasaad sa liham ni Andre na gagawa ng report si Andre tungkol sa Pilipinas kaya hiniling niya sa Pangulo na mag-“hello” sa kanyang mga kaklase sa Fresno Adventist Academy sa California.
Ibinida din ng bata na proud-na-proud itong maging isang Pinoy at umaasa daw siya na magkikita sila ng personal ni Pangulong Duterte.
Ini-anunsyo naman ni Special Assistant to the President, Secretary Bong Go na nakarating kay Pangulong Duterte ang liham kaya agad naman nitong pinagbigyan ang hiling ng bata.
Sa video ng Pangulo, binati nito ang guro na si Mrs. Richiutti at mga estudyante ng paaralan lalo na kay Andre Esteban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.