8-anyos na batang babae ni-rape at pinugutan sa Kalibo, Aklan

By Den Macaranas October 28, 2017 - 09:28 AM

Makaraan ang apat na taong pagkawala ay natagpuang patay at pinaniniwalaang ginahasa pa ang isang 8-anyos na batang babae sa Kalibo, Aklan.

Sa ulat ng Kalibo Police Station, pinugutan pa ng ulo at putol na rin ang kaliwang kamay ng batang biktima.

Sinabi ng mga imbestigador na tinangka ring sunugin ng suspek ang bangkay ng biktima.

Sa pahayag ng mga kaanak ng biktima, papunta umano sa bukid ng kanyang ama noong Oktubre 24 ang nasabing paslit nang ito ay mawala.

Nagtulong-tulong ang kanilang mga kaanak at kapit-bahay sa paghahanap sa biktima pero sila ay nabigo hanggang sa matagpuan nila ang naaagnas na bangkay nito kanilang umaga.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Libacao PNP para alamin kung sino ang nasa likod ng nasabing krimen.

TAGS: aklan, kalibo, PNP, rape, aklan, kalibo, PNP, rape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.