Hanggang ngayon ay clueless pa rin si bagong Presidential Spokesman Harry Roque kung bakit siya ang personal na pinili ng pangulo na pumalit sa dating pwesto ni Usec. Ernesto Abella.
Sa panayam sa kalihim, sinabi ni Roque na anuman ang dahilan ay gagawin niya ang kanyang tungkulin ng naaayon sa mga direktiba ng pangulo.
Bagaman nabigla, aminado ang opisyal na excited siya na maka-trabaho ang pangulo ng malapitan.
Kinausap na rin ni Roque si Abella at personal din siyang humingi ng paumanin kung sakaling nagdamdam man ang dating opisyal sa paghalili niya a pwesto.
Inanunsiyo ng pangulo ang appointment ng kanyang bagong tagapagsalita sa mismong kaarawan ni Roque sa Davao City kahapon.
Nauna rito ay inalis si Roque ng Kabayan Partylist bilang kinatawan ng kanilang grupo sa Kamara dahil sa ilang mga internal issues.
Bago naging mambabatas at kalihim at kilala si Roque bilang isang human rights lawyer at bihasa sa international law.
Siya rin ang founder ng Center for International Law Manila.
Sa November 6 ay dadalo na si Roque sa cabinet meeting sa MalacaƱang.