“Full-blown” na rehabilitasyon ng Marawi, sinimulan na
Sinimulan na ng pamahalaan ang mahaba-habang proseso ng rehabilitasyon ng Marawi City na nawasak dahil sa limang buwang bakbakan sa pagitan ng mga teroristang Maute group at mga pwersa ng gobyerno.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Maj. Gen. Restituto Padilla, nagsimula na ang “full-blown rehabilitation, reconstruction and rebuilding” ng Marawi City.
Ito na aniya ang hudyat patungo sa panunumbalik ng “normalcy” sa lungsod.
Gagamitin na dito ang P5 bilyong inisyal na pondong inilaan ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Marawi City na gagawin sa nalalabing mga buwan ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Office of Civil Defense Undersecretary Kristoffer James Purisima, sa inilaang P5 bilyon, nasa P3.4 bilyon ang ilalaan para sa health at social services.
Tiniyak naman ni Purisima na unti-unti na nilang ipinoproseso ang pagbabalik ng mga serbisyo ng tubig at kuryente.
Ani pa Purisima, maglalabas pa ang gobyerno ng P10 bilyon sa susunod na taon, at isa pa ulit na P5 bilyon sa 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.