Amerika target ng pinakabagong uri ng cyber espionage

EspionageIniutos ni U.S President Barrack Obama na ilagay mas lalo pang higpitan ang kanilang depensa laban sa cyber attacks.

Ang kautusan ay inilabas ni Obama makaraang aminin sa isang Congressional Probe ni National Intelligence Agency head James Clapper na under-attack ang Pamahalaan ng America ng ibat-ibang grupo ng mga cyber terrorists.

Sa kanyang ulat sinabi ni Clapper na ang bansang China ang siyang namonitor nilang pangunahing nasa likod ng pag-atake.

Bukod sa China, namonitor din ng U.S. Intelligence ang kakaibang cyber practices ng ilang mga online hackers mula sa Russia, Iran at North Korea.

Sa mga nabanggit na bansa ay China at Russia at siyang pangunahing concern ng U.S sa kasalukuyan dahil sa kanilang advanced technology.

Sinabi sa ulat na karaniwang target ng cybet espionage ang National Security Information, mga sensitibong economic data at ang U.S Intelletual Property.

Isinisisi rin sa China ang online leakage ng 20-Million personal records ng mga Federal Employees makaraan nilang mapasok ang website ng Office of the Personnel Management ng U.S.

Sa nasabi ring hearing ay sinabi ni Clapper na nakatutok ang kanyang mga tauhan sa counter-intelligence operations para mapanagot ang mga nasa likod ng cyber espionage.

Nauna nang itinanggi ng China na may kinalaman sila sa anumang uri ng cyber attacks sa U.S.

Read more...