Cleaning operations sa mga sementeryo, sinimulan na ng MMDA
Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang cleaning operations sa mga sementeryo sa Metro Manila bilang paghahanda sa nalalapit na All Saints Day sa November 1.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, kasado na ang kanilang Oplan Undas at bilang bahagi nito ay magse-set up sila ng public assistance centers at ambulansya sa Manila North Cemetery, South Cemetery, Loyola Memorial Park sa Marikina City at San Juan Public Cemetery.
Tututukan din ng MMDA ang mga bus terminals kung saan magde-deploy sila ng Reckless Driving Enforcement Team, Anti-Jaywalking Unit at Sidewalk Clearing Operations Group.
Sa kabuuan, aabot sa 2,866 personnel ang ipakakalat ng MMDA para sa Undas.
Sakop naman ng clean up drive ang mga sumusunod na sementeryo.
Caloocan City – North Cemetery, La Loma Cemetery
Las Piñas City – Golden Heaven Cemetery
Makati – Makati South Cemetery
Malabon City – Tugatog Cemetery
Mandaluyong City – Mandaluyong Cemetery (Aglipay), San Felipe Neri Catholic Cemetery (semi-public)
Manila City – North Cemetery, Manila North Green Park (City Shape)
Marikina City – Barangka Cemetery
Muntinlupa City – Soldiers Hill Cemetery
Navotas- Navotas Cemetery
Parañaque City – Palanyag Public Cemetery
Pasay City – Sargento Mariano Public Cemetery
Pasig City – Baraks, Santolan, Roman Catholic Cemetery
Pateros – Garden Memories (Bagong Calzada St.), Aglipay Cemetery (M. Lozada Street), San Joaquin Cemetery (M. Almeda Street), San Roque Cemetery (E. Hermosa Street)
Quezon City – Bagbag, Novaliches, Sangandaan
San Juan City – San Juan Cemetery
Taguig City – Hagonoy Municipal Cemetery
Valenzuela City – Arkong Bato, Karuhatan Cemetery
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.