Panggugulpi umano ng mga sundalo sa Maute member, iimbestigahan ng militar
Nangako ang militar na iimbestigahan ang umano’y myembro ng Maute group na umano’y binugbog ng mga sundalo nakuhanan sa isang video.
Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., deputy commander ng Joint Task Group Ranao, kikilanin nila ang mga sundalo na sangkot sa maling pagtrato sa lalaking suspek.
Sa naturang video na ibinahagi sa social media, makikita ang lalaking umiiyak habang nagsasalit-salitan ang mga sundalo sa pananakit at paninipa sa kanya.
Mayroon namang mga sundalo na pinakakalma at pinipigilan ang kanilang mga kasama.
Nakasuot lamang ng underwear ang suspek.
Ayon kay Brawner, normal lamang na pinahuhubad ng damit ang mga nahuling kalaban, o sumukong kalaban para tiyakin na wala itong itinatagong armas o bomba sa katawan.
Gayunman, iginiit naman ni Brawner na hindi kinukunsinte ng militar ang pagbubuhat ng kamay sa sinumang hinihinalang terorista na walang armas, o sumuko sa mga otoridad.
Kinundena ni Brawner ang insidente, at naniniwala siyang isolated case ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.