“Alternative truth” sa Mamasapano Encounter, lalong sisira sa kredibilidad ni Pangulong Aquino – Rep. Silvestre Bello
Lalo lamang makakasira sa kredibilidad ni Pangulong Benigno Aquino III ang pinalulutang nitong “alternative truth” kaugnay sa Mamasapano Encounter.
Ayon kay 1-BAP Party list Rep. Silvestre Bello III, “too late” na ang paglalabas ni Presidente Aquino ng umano’y ibang bersyon kaugnay sa tunay na pumatay sa teroristang si Marwan sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015.
Bukod dito, may “judgment” na aniya ang mga ‘boss’ ni Pangulong Aquino hinggil sa madugong Mamapasano incident.
Babala ni Bello, na dating Justice Secretary, kung ipipilit ni PNoy ang sinasabi niyang ‘alternative truth’, tiyak na makakaapekto ito sa kanyang kredibilidad, na nabahiran na noong pumutok ang kapalpakan sa Oplan Exodus.
Batay sa mga naunang imbestigasyon, binigyan ng go-signal ni Pangulong Aquino ang noo’y suspendido na si dating PNP Chief Alan Purisima para sa operasyon ng Special Action Force o SAF sa Mamasapano.
Napaslang si Marwan, subalit apatnapu’t apat na SAF commandos naman ang nalagas.
“Too late in the day for the President to coming out with a different version. This will only further erode his credibility on the issue. His ‘BOSSES’ have rendered a judgment!,” ayon sa text message ni Bello sa Radyo Inquirer.
Samantala, para naman kay Magdalo Rep. Gary Alejano, mistulang nabalewala ang kagitingan na ipinakita ng SAF, dahil sa pahayag ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.