Dami ng mga pasahero sa mga bus terminal sa Avenida, normal pa
Limang araw bago ang Undas, nananatiling normal ang biyahe ng mga provincial bus sa kahabaan ng Avenida sa lungsod ng Maynila.
Kabilang dito ang Philippine Rabbit na may biyaheng Baguio, Pangasinan, Pampanga at Tarlac.
Gayundin ang Genesis Bus Transit na may biyaheng Bataan, Tarlac at Baguio.
Ayon sa mga dispatcher, nananatiling normal pa ang biyahe sa kanilang mga bus terminal at hindi pa ganoon karami ang mga pasahero.
Ang inaasahan nila ay sa Sabado hanggang Linggo dadagsa ang mga pasahero na bibiyahe pauwi sa kani-kanilang lalawigan para sa gunitain ang Undas.
Kaugnay nito, handa naman pareho ang dalawang bus company na palawigin ang kanilang operasyon para maka-accomodate ang mga pasahero.
Sa mga pasahero, paalala ng mga dispatcher, wala silang reservation dahil ang paiiralin nila ay “first come first serve basis”.
Samantala, kapansin-pansin na may mga nakatalaga nang mga miyembro ng Manila Police District o MPD sa mga bus terminal para sa police visibility at seguridad ng mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.