Isko Moreno, nagbitiw bilang miyembro ng NLRC board
Nagbitiw na si Francisco Domagoso o Isko Moreno bilang miyembro ng Board of Directors ng North Luzon Railways Corporation o NLRC.
Sa kopya ng resignation letter, sinabi ni Domagoso na lubos niyang ikinararangal ang pagkakataon na ibinibay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte upang makapagsilbi sa kasalukuyang administrasyon.
Marami aniyang natutunan at nakuhang karanasan sa pagtatrabaho sa isang Government-Owned and Controlled Corporation o GOCC.
Pero bunsod ng personal na rason, ani Domagoso, ay inihain niya ang irrevocable resignation sa kanyang posisyon at epektibo sa lalong madaling panahon.
Si Domagoso o Isko Moreno, na dating bise alkalde ng Maynila, ay tumakbo sa senatorial race noong 2016 elections, sa ilalim ng tiket ni Duterte.
Siya ay natalo subalit isang taon makalipas ang halalan ay isa si Domagoso sa mga nabiyayaan ng pwesto sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.