ES Salvador Medialdea, itinalagang caretaker habang nasa Japan si Pangulong Duterte
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang caretaker ng bansa.
Ito ay habang nasa working visit ang pangulo sa Japan sa Oktubre 29 hanggang 31.
Sa special order 977 na nilagdaan ng pangulo, pinatitiyak nito kay Medialdea na maging maayos ang pang-araw-araw na operasyon ng Office of the President pati na ang mga tanggapan na nasa executive department.
Inaatasan din ng pangulo ang lahat ng departamento, ahensya at institutsyon ng gobyerno na tulungan si Medialdea para masigurong magiging maayos ang pagbibigay serbisyo publiko.
“All acts of the executive secretary for and on behalf of the president pursuant to this order shall be deemed acts of the president unless disapproved or reprobated by the president,” ayon sa kautusan ng pangulo.
Matatandaang noong Hunyo, nakatakda sanang bumisita ang pangulo sa Japan subalit nakansela ang biyahe dahil sa giyera sa Marawi City dulot ng panggugulo ng teroristang Maute group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.