Isang araw matapos mag-retiro, Eduardo Año, itinalaga sa DILG ni Pangulong Duterte

By Dona Domiguez-Cargullo October 27, 2017 - 04:09 PM

Isang araw matapos na mag-retiro ay pormal nang itinalaga sa Department of Interior and Local Government (DILG) si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo Año.

Batay sa appointment paper na inilabas ng Malakanyang, itinalaga si Año bilang bagong undersecretary sa DILG.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing appointment na may petsang October 26, 2017.

Noong Huwebes ay pormal nang nagretiro sa pwesto si Año at ang pumalit sa kaniya bilang bagong hepe ng sandatahang lakas ay si Lieutenant General Rey Leonardo Guerrero na commanding general ng Philippine Army sa Wastern Mindanao.

Saglit lamang ang magiging paninilbihan ni Guerrero dahil nakatakda naman itong mag-retiro sa Disyembre.

TAGS: AFP Chief of Staff Eduardo Año, appointment, DILG Usec, Lieutenant General Rey Leonardo Guerrero, Rodrigo Duterte, AFP Chief of Staff Eduardo Año, appointment, DILG Usec, Lieutenant General Rey Leonardo Guerrero, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.