Phase 2 ng Laguna Lake Highway, binuksan na

By Dona Dominguez-Cargullo October 27, 2017 - 03:00 PM

Binuksan na ang phase 2 ng Laguna Lake Highway o kilala rin sa tawag na Circumferential Road 6 (C6).

Ang nasabing highway ay bumabagtas mula sa Bicutan sa Taguig hanggang sa Taytay Rizal at nasa bahagi ng Laguna De Bay.

Ang pagbubukas ng phase 2 ng Laguna Lake Highway Project ay pinangunahan nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and CEO Vivencio Dizon at Taguig Mayor Lani Cayetano.

Sa nasabing proyekto, nagtayo at pinalawak ang mga tulay, inaspaltuhan at pinalawak ang kalsada, naglagay ng bike lane at pedestrian siwdewalk.

Maliban sa pagbubukas ng phase 2 ng proyekto, pinasinayaan din ang unang stretch ng bicycle lanes sa bahagi ng Hagonoy Pumping Station sa Taguig.

Sa sandaling makumpleto na ang nasabing proyekto at madaanan na ng mga motorista, inaasahang aabot na lang sa 30-minuto ang biyahe mula Bicutan hanggang sa Taytay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: C6, dotr, DPWH, Laguna Lake Highway, launching, phase 2, Radyo Inquirer, C6, dotr, DPWH, Laguna Lake Highway, launching, phase 2, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.