3 pampasaherong bus na biyaheng probinsya, hindi pinayagang makaalis ng LTO

By Cyrille Cupino October 27, 2017 - 02:35 PM

Kuha ni Cyrille Cupino

Tatlong pampasaherong bus ang hindi pinayagang makabiyahe ng Land Transportation Office (LTO) sa Araneta Bus Terminal.

Ayon kay Jeffrey Fajutrao, enforcer ng LTO-NCR, hindi nila pinayagang makaalis ng terminal ang tig-iisang unit ng Elavel Bus, Dimple Star, at Silver Star dahil sa iba’t ibang violation.

Biyaheng Catarman, Samar ang Elavel, pero hindi ito pinayagang bumiyahe dahil walang breaklight, pudpod ang gulong at walang sign para sa PWD seat.

Samantalang parehong kalbo ang gulong ng Dimple Star at Silver Star bus.

Ayon kay Fajutrao, kailangang ayusin muna ng mga bus companies ang kanilang units upang hindi na maka-perwisyo pa ng mga pasahero.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Araneta Center Bus terminal, Dimple Star bus, Elavel Bus, lto, Silver Star, Araneta Center Bus terminal, Dimple Star bus, Elavel Bus, lto, Silver Star

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.