Aktor na si Cogie Domingo, arestado ng PDEA; nahuling bumibili ng ilegal na droga

FB Photo

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 4-A ang aktor na si Cogie Domingo.

Ayon kay PDEA Public Information Office head, Mary Anne Lorenzo, nadakip si Domingo matapos maaktuhang bumibili ng ilegal na droga sa Parañaque City.

Kasama umanong naaresto ng mga tauhan ng PDEA ang isang babae na hindi pa tiyak kung misis ni Cogie.

Matagal nang pahinga sa showbiz si Domingo.

Nakilala ito ng husto nang gampanan ang papel bilang 16-anyos na robbery suspect sa pelikulang ‘Deathrow” noong taong 2000.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...