Supporter ng Maute Terrorist Group, arestado sa Novaliches, QC

By Cyrille Cupino October 27, 2017 - 11:31 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at intelligence unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nang isang umano’y ‘supporter’ ng Maute Terrorist Group sa isang mall sa Novaliches.

Nakilala ang suspek na si Rasdy Malawani alyas Rasdi Macabangkit/Makabanket, 42-anyos.

Ayon kay QCPD Dir. Guillermo Eleazar, inaresto si Macabangkit sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Si Makabangkit ay matagal nang isinailalim sa surveillance ng mga otoridad dahil sa umano’y pagpo-pondo sa teroristang Maute Group sa Marawi.

Pumu-pronta umano si Macabangkit na isang negosyante sa Salaam Bazaar sa Novaliches Plaza Mall para kay Ominta Romato Maute, alyas ‘Farhana’, na ngayon ay nasa Bicutan Jail matapos maaresto sa Masiu, Lanao del Sur noong Hunyo.

Napag-alamang si Makabangkit ay nangungulekta ng renta mula sa mga stallholders sa Nova Mall at ipinapadala ang pera sa isang Azesha Macabangkit-Maute alyas Lily mula sa Marawi City.

Si alyas Lily ay napag-alamang asawa ni Madie Maute, isa sa mga arkitekto ng Marawi siege

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Maute, maute terrorist group, Rasdi Macabangkit, Rasdy Malawani, Maute, maute terrorist group, Rasdi Macabangkit, Rasdy Malawani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.