US Embassy sa Maynila, sarado sa October 31 at November 1

Inquirer File Photo

Inabisuhan ng US Embassy sa Maynila ang publiko na wala itong operasyon sa October 31 (Martes) at sa November 1 (Miyerkules).

Sa advisory ng Information Office ng embahada, ito ay kaugnay ng paggnuta ng All Saint’s Day sa Pilipinas.

Ayon sa embahada, ang kanilang tanggapan sa Roxas Boulevard sa Maynila at mga affiliated office ay sarado at hindi tatanggap ng transaksyon sa dalawang nabanggit na petsa.

Ang Oct. 31 ay idineklarang non-working day ng Malakanyang, habang ang November 1 ay special non-working holiday sa Philippine calendar bilang paggunita sa Undas.

Sinabi ng US Embassy na bukas naman ang kanilang tanggapan sa Lunes, October 30, at balik sila sa normal na operasyon sa November 2 araw ng Huwebes.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...