4 na hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group, patay sa engkwentro sa Cavite

By Cyrille Cupino October 27, 2017 - 09:54 AM

Patay ang apat na miyembro ng kidnap-for-ransom group sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP)-Anti-Kidnapping Group (AKG) sa Carmona, Cavite.

Ayon kay Cavite Police Provincial Director Sr. Supt. William Segun, naganap ang shootout 4:36 ng madaling araw.

Ayon kay Segun, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng PNP-AKG sa pangunguna ni Police Sr. Supt. Arthur Masongsong laban sa kidnap for ransom group.

Ang grupo ang itinuturong nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa isang negosyante na junket operator sa Resorts World Manila.

Nagsimula pa umanong i-surveillance ang grupo kagabi mula pa sa area ng Pala-Pala, Dasmariñas City, hanggang sa humantong ang grupo sa San Lazaro Road, Sitio Ulong-Tubig, Carmona.

Dito na nagkaputukan ang mga pulis at grupo na humantong sa pagkakapatay ng apat na miyembro nito.

Nakuha pinangyarihan ng shootout ang tatlong 9mm at isang caliber .45 na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: carmona cavite, Kidnap For Ranson Group, PNP anti kidnapping group, carmona cavite, Kidnap For Ranson Group, PNP anti kidnapping group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.