Nagsasagawa na ng search operations ang Norwegian rescuers matapos mawala ang isang eroplanong sakay ang walong pasahero sa karagatang sakop ng Arctic Archipelago of Svalbard.
Ayon kay Tore Hongset, leader ng rescue unit, dalawang helicopter at malilit na bangka na ang nagsasagawa ng search operations sa lugar.
Pinaniniwalaang bumagsak sa katubigan ang eroplano ilang kilometro mula sa pupuntahang destinasyon.
Papunta sana ang helicopter sa isang coal mining port sa Barentburg.
Nagpapahirap sa sinasagawang search operations ang malabong visibility sa lugar at malalakas na alon dahil sa dinaranas na winter.
Ang Svalbard na pinagbagsakan ng helicopter ay nasa islalim ng soberanya ng Norway sa pamamagitan ng isang NATO- treaty.
Kinumpirma na ng Russian Company na Convers Avia Air na pagmamay-ari nila ang helicopter at bigo na silang makipagcommunicate dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.